Saturday, December 11, 2010

Audrey Hepburn

I found this late last night and wanted to sleep on my anger before sharing with you. As I've discussed with you before, Emma Thompson has penned the screenplay for the new adaptation of My Fair Lady, which has been in pre-production for a couple of years now. Nothing is moving forward, and while out promoting her new Nanny McPhee film I suppose Emma wanted to remind everyone that she has a film waiting to be made, and the best way to get attention would be to slag on Audrey. Yes, Emma Thompson trash talks Audrey Hepburn. The Daily Mail has the story, though really, I think the title tells you more than you want to know: 'Audrey Hepburn was twee, mumsy and really couldn't act': Emma Thompson's scathing appraisal of My Fair Lady star. The link will take you to the article, and that's all I'm going to say on this for now. I did actually write quite a fact-filled rant schooling Emma Thompson on how wrong she is on all this, but I'll spare you - unless you'd really like me to share.

Friday, December 10, 2010

“Nakakulong na barangay”

Naranasan mo bang nag-uumpisa pa lang ang araw mo kailangan mo ng pumanik sa isang mataas na bakod na parang gagamba makarating lang sa pupuntahan mo? Pagdating naman ng gabi para ka namang dagang daraan sa mga estero para makauwi ng bahay mo. Ganito ang uri ng buhay na mahigit sa 700 pamilya ng Brgy. Mauling Creek Lower Bicutan, Taguig. Itoy ipinarating sa aming tanggapan nila Noel Laroga, Lorna Vitalicio at ng mag-asawang Aida at Teofilo Quiling, Ang kanilang buong barangay ay ikinulong ng magtayo ang kontraktor ng ‘City Government’ ng Taguig ng isang napakataas na bakod sa buong paligid. Ang Barangay Mauling ay matatagpuan sa gilid ng Camp Bagong Diwa at ang nangyari kailangan sila lumakad ng malayo upang marating ang isang maliit na puwang kung saan isang tao lamang ang maaring dumaan. “Ni hindi nga makadaan ang dalawang tao ng sabay wala ring makapasok na tricycle o habal habal kaya ang mga anak namin para hindi mahuli sa eskwelahan ay kailangang panikin ang mataas na bakod. Ang iba naman na di kayang umakyat ay sa estero dumaraan, tinitis ang baho at kung minsa’y kasabay ang malalaking daga,” kwento ni Noel, Noong Ika-13 Abril ng 2009 may binaba umanong ‘memorandum ang Philippine National Police (PNP) ipagigiba daw ang mga bahay sa nasabing barangay. ‘For security reasons’ ang dahilan. Malapit sa ‘creek’ ang bahay nila Noel at kapag umulan baka maagos ng baha, Maliban dito meron ding mga insiendte ng nakawan at holdapan. Lumapit sila sa dating administrasyon upang iapila na huwag namang gibain ang buong barangay Mauling. May magandang solusyon sana, ipagpapatayo sila ng isang ‘high rise building’ o ‘tenement houses’ na mala‘bliss’. Hindi ito natuloy dahil sa lupa kung saan ito itatayo ay may malalaking bahay umano ng ilang general at opisyal ng PNP. Lumapit sila Noel sa kawani ng Philippine Commission for Urban Poor (PCUP) at pati na rin kay dating Mayor Freddie Tinga ng Taguig City. Isang solusyon ang kanilang naisip (win-win solution) ng City Government at ng mga residente ng barangay. Babakuran ang paligid at lalagyan sila ng ‘right of way’ para maayos na makalabas- masok ang tunay na resident eng barangay at upang hindi na madagdagan pa ang bilang nila o makapasok ang masasamang elemento sa kanilang komunidad. Ayos sana hindi ba? Ang magandang ideyang ito ay namatay sa tayo. “Hindi natapos ng kontraktor ang trabaho. Naitayo ang bakod subalit hindi nagawa ang kalsada o right of way kaya nagdurusa kami at ang aming pamilya sa aming sitwasyon na para bang ikinulong kami at inihiwalay o itinago sa lipunan,” ayon kay Noel. Kung saan saan na daw sila nakarating kaya’t ito ang dahilan kung bakit lumapit sila sa aming tanggapan. Minsan na namin silang natulungan noong taong 2007 ng maikuha namin sila ng ‘right of way’ para madaanan ng mga ‘tricycle’ na namamasada sa kanilang lugar. Itinampok namin ang kanilang problema sa aming programa sa radyo Hustisya Para sa lahat DWIZ 882 khz tuwing alas 3:00 ng hapon. ulong Bilang tulong tinawagan namin ang tanggapan ng ‘local government unit’ ng Mayor ng Taguig City na si Mayor Lani Cayetano. Kinausap ng abugado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) na nakatalaga sa aming programa at nangako naman ang Mayor’s Office na masusi nilang pag-aaralan ang sitwasyon para sa isang agarang aksyon. SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, bumabalik sa aming isipan ang nangyari noong idaos dito ang Ms. Universe Beauty Pageant, ang meeting ng Asia- Pacific Economic Cooperation (APEC) at iba pang ‘international events’. Ang naging solusyon ng administrasyong Marcos sa pamumuo ni Imelda Romualdez Marcos dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair ay lagyan ng bakod na yero at pinturahan ng puti ang lahat ng bahay ng ‘squatters’ (urban dwellers) na madadaanan mula sa ‘airport’ hanggang sa mga hotel sa Roxas Boulevard. Ito’y sa ilalim ng proyekto ni Gng. Marcos na ‘The true, the good and the beautiful’ kung saan tatapalan ka ng yero upang hindi makita ang malungkot na kalagayan ng lipunan dito sa Pilipinas. Ganito rin ba ang solusyon sa problema ng mga kababayan natin sa barangay Mauling sa Taguig? Nilagyan ng mataas na bakod at ikinubli ang kanilang kalagayan. Paano kung dumating ang isang malakas na bagyo na may dalang mala-ondoy na ulan? Paano na ang 700 na pamilya na nasa tabi ng creek? Aagusin na lamang ba ang kanilang tahanan ng baha at ang pagkataas-taas na bakod na itinayo dun ay magsisilbing dike para maprotektahan ang mga heneral at ang mga bahay sa Camp Bagong Diwa? Ang problemang ito ay minana ni Mayor Lani at nararapat lamang na aksyunan agad lalong lalo na’t narito na ang panahon ng La Niña. (KINALAP AICEL BONCAY) Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero 09213263166 o sa 09198972854. Maari din kayong tumawag sa 6387285 o magpunta sa aming tanngapan 5th floor CityState Center bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Bukas ang aming tanggapan tuwing SABADO 8:30am- 12:00pm. Ang aming 24/7 hotline ay 7104038.